Global cases ng COVID-19 nasa 19.1 million na

0
15

Umakyat na sa mahigit 19 na milyon ang kabuuang bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.

Batay sa pinakahuling datos ng John Hopkins Resource Center, nasa 19,193,661 na ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19.

Nasa mahigit 716,700 naman ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa virus.

Habang nasa mahigit 11,611,000 ang kabuuang bilang ng mga gumaling dahil sa sakit dulot ng virus.