Mas mataas na bilang ng kaso ng dengue ngayong taon naitala – DOH

0
42

Naitala ang mas mataas na bilang ng nagkasakit ng dengue sa unang limang (5) buwan ngayong taon.

Sa tala ng Department of Health, may kabuuang 74, 273 ang kaso ng dengue simula noong Enero 1 hanggang nitong Mayo 11.

Mas malaki ito kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Mula sa naturang bilang, 312 sa mga ito ang nasawi dahil sa dengue.

Pinakaraming naitalang nagkakasakit ng dengue sa Calabarzon, Central Visayas , Western Visayas at National Capital Region.