6 patay sa bumagsak na helicopter sa Mexico

0
52

Patay ang anim (6) katao matapos na bumagsak ang kanilang sinasakyang helicopter sa Mexico.

Ayon sa Mexican authorities, sakay ng helicopter ang miyembro ng Mexican Navy na patungo sana sa kalapit bayan para tumulong sa nagaganap na forest fire.

Sakay ng helicopter ang mahigit 600 galon ng tubig nang bumagsak ito.

Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang naging dahilan ng insidente.