CBCP pinababantayan sa publiko ang pagpapalaya ng mga convicts ng BuCor

0
49

Hiniling ng isang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa publiko na bantayan maigi ang mga ginagawang pagpapalaya ng Bureau of Corrections (BuCor).

Ayon kay CBCP Episcopal Commission on Prison and Pastoral Care executive secretary Bro. Rudy Diamante, dapat ay bantayan ng publiko kung sinu-sino ang mga pinalalaya.

Aniya, dapat ay masigurong hindi palakasan at korapsyon ang gagamitin para makalaya ang isang bilanggo.