Mariah Carey nakiramay sa pagkasawi ni Lloyd Cadena

0
16

Nagpaabot din ng pakiraramay ang International Pop Star na si Mariah Carey sa pagkasawi ng Pinoy blogger na si Lloyd Cadena.

Sa isang tweet, ipinahatid ni Mariah Carey ang kaniyang pakikidalamhati sa pamilya, kaibigan at mga mahal sa buhay ni Cadena.

Kahapon nang magulat ang publiko matapos na sumakabilang buhay na ang dating radio disk josk at sikat na vlogger at influencer na si Lloyd Cadena.

Sa kaniyang official facebook post, kinumpirma ang kaniyang pagkasawi kung saan humingi ang pamilya nito ng dasal, respeto at privacy.