35.8 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Maria Ressa naglagak ng piyansa para sa kasong tax evasion

- Advertisement -

Naglagak na ng piyansa si Rappler president Maria Ressa sa Court of Tax Appeals o CTA.

Pumapalo sa dalawandaan at apat na libong piso (P204,000) ang inilagay na piyansa ni Ressa sa CTA para sa kasong tax evasion na isinampa ng Department of Justice laban sa aniya at Rappler Holdings Corporation.

Apat na bilang ng mga kaso ay inihain sa CTA habang ang isa ay sa Pasig Regional Trial Court kung saan naglagak na rin ng piyansa si Ressa.

Ayon sa gobyerno, si Ressa at ang Rappler ay lumabag sa section 254 ng republic act 8424 o National Internal Revenue Code of the Philippines dahil sa pagtatangka umanong makaiwas sa pagbabayad ng buwis.

Lumabag din umano sina Ressa at Rappler sa batas nang mabigong magsumite ng tamang impormasyon hinggil sa income tax at Value Added Tax o VAT return noong 2015.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -