Tuesday, May 7, 2024

Maraming PDLs Sa Bicol, Bukas Nang Magpabakuna Kontra COVID-19 Upang Madalaw Na Ng Kanilang Pamilya

- Advertisement -

Iriga City – Karamihan sa mga persons deprived of liberty sa Bicol ang interesado nang magpabakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay BJMP Health and Services Division chief Dr. Jaime Claveria may mga nagpahayag nang tatanggap ng bakuna sakaling dumating na ang alokasyon para sa mga ito.

Naunang binigyan ang mga medical frontliners at health workers.

Karaniwang dahilan ng mga PDLs na nais nang magpabakuna, mapapadali ang pagdalaw ng pamilya sa kanila na itinigil muna dahil sa pandemya.

Tuloy rin ang information drive na isinasagawa sa mga jail facilities upang ipaunawa sa mga PDLs ang kahalagahan ng pagpapabakuna.

Pagtitiyak naman ng Department of Health (DOH) na kabilang sa mga masterlist ng nakakasakop na lokal na gobyerno ang mga ito subalit hindi pa kabilang sa mga prayoridad na mabakunahan.

(Source: BJMP Bicol)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img