Sunday, May 5, 2024

Maraming lugar sa Luzon at Visayas lubog pa rin sa baha – NDRRMC

- Advertisement -

Maraming lugar sa Luzon at Visayas, nananatiling lubog sa baha dahil sa sama ng panahon ayon sa NDRRMC.

Pumalo sa 439 na mga lugar sa Luzon at Visayas ang binaha dulot ng mga pag-ulang dala ng habagat na pinaigting pa ng bagyong Hanna.

Tinukoy ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang mga apektadong lugar tulad ng Metro Manila, Regions 3 (Central Luzon), 4-A (CALABARZON), 4-B (MIMAROPA), 5 (Bicol Region) at 6 (Eastern Visayas).

Batay sa datos mula sa PAGASA, maliban sa bagyong Hanna na isa nang ganap na Tropical Storm, may tatlo pang sama ng panahon silang binabantayan na siyang nagdudulot ng pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa.

Ito ay ang Typhoon Francisco na nasa dulong hilagang Luzon at nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) gayundin ang isa pang Tropical Depression na may 2,000-kilometro ang layo sa Silangan ng Hilagang Luzon.

Hanggang sa mga sumandaling ito may ilang mga lalawigan pa rin ang kanselado ang klase sa mga paaralan bunsod na rin ng mga nararanasang pagbaha dahil sa magdamagang pag-ulan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img