Mandatory driver’s re-education program isinusulong

Mandatory driver’s re-education program isinusulong

by Powered by DWIZ
50 views

Ipinaliwanag ni Iloilo 3rd District Representative Lorenz Defensor na isang paraan para mabawasan ang mga aksidente sa daan ay ang kaniyang isinusulong na mandatory driver’s re-education program.

Aniya, nasa higit 12 Pilipino ang namatay noong 2016 dahil sa mga road related accidents, at human error ang nakikitang dahilan nito.

Dagdag pa nito, tatagal lamang ng apat hanggang limang oras ang programa na mayroong iba’t-ibang paksang sinasaklaw na kailangang kunin bago makapag renew ng lisensya.

Meron tayong basic LTO policy, road safety, road sign, road division, first aid pagdating sa daan, road rage management. It will take mga 4 to 5 hours lang sa loob ng 5 taon napakalaking bagay kung pwede tayo magsama-sama para matuto tayo ng 4 o 5 oras lang sa loob ng 5 taon bago tayo mag-renew ng ating lisensya,” ani Defensor.

Iginiit din ni Defensor na isinusulong niya ang panukala dahil maraming buhay aniya ang maisasalba kung mayroong disiplina sa daan ang mga tao.

Isinusulong ko ito not only as part of our solution sa traffic problem but also to reduce road related accidents and road related deaths. Marami tayong buhay na maisasalba kung may konting sakripisyo lang tayo para sa tamang disiplina at kaalaman sa daan,” ani Defensor. — panayam ng Ratsada Balita.

0 comment

Related Posts