Friday, May 3, 2024

Mali ang mga kritiko sa death toll sa ‘oplan tokhang’ — Malakanyang

- Advertisement -

Malaking patunay ang report ng Ateneo Human Rights Center na mali ang mga kritiko sa death toll sa ‘oplan tokhang’.

Ayon ito kay Presidential Spokesman Salvador Panelo kayat malinaw na mali ang akusasyon ng Amerika at mga kritiko na lumobo na sa 20,000 drug personalities ang napatay sa anti drugs war ng gobyernong Duterte.

Binigyang diin ni Panelo na ilan sa 7,000 napatay na drug personalities ay napatay ng mga sindikato at hindi basta lamang pinatay ng mga pulis.

Sinabi ni Panelo na may mga napapatay din ang mga pulis dahil nanlalaban ang mga drug personality.

Pinarurusahan naman aniya ang mga pulis na umaabuso sa anti drugs war ng gobyerno.

Inihayag ni Panelo na wala silang nakikitang malisya sa timing ng pagpapalabas ng nasabing report kahit malapit na ang eleksyon dahil kahit sino o anumang grupo ay maaaring maglabas ng anumang report kahit kailan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img