Cynthia Villar nanguna sa bagong Pulse Asia Survey

0
50

Nangunguna si Re-electionist Senator Cynthia Villar sa pinakahuling survey na isinagawa ng Pulse Asia halos dalawang linggo bago ang May 13 midterm elections.

Batay sa resulta, maituturing ding nasa una at ikalawang puwesto si Senador Grace Poe, ikatlo hanggang ika apat na puwesto si dating senador Lito Lapid, tatlo hanggang anim na puwesto si dating senador Pia Cayetano, nasa ika apat hanggang ika walong rank si dating special presidential assistant Bong Go na sinundan naman ni Senador Sonny Angara.

Pasok naman sa ika lima hanggang ika siyam na ranggo sina dating senador Ramon Bong Revilla at dating PNP chief Ronald Bato Dela Rosa, ika anim hanggang siyam na rank si Senador Nancy Binay.

Samantala, nasa ika sampu hanggang ika 14 na puwesto sina Senador Koko Pimentel, Ilocos Norte Governor Imee Marcos, dating senador Jinggoy Estrada at Senador Bam Aquino at si Senador JV Ejercito sa ika sampu hanggang 16 na rank.

Kabilang sa rank 14 hangggang 18 sina dating senador Serge Osmeña, Mar Roxas, dating presidential political adviser Francis Tolentino at dating senate president Juan Ponce Enrile.

Isinagawa ang nasabing Pulse Asia Survey nitong nakalipas na April 10 hanggang 14.

(with report from Cely Ortega- Bueno)