Malay Municipal Police Station sa Aklan ililipat na sa Boracay

0
53

Minamadali na ng Police Regional Office 6 ng PNP ang pagtatayo ng bagong Malay, Aklan Police Station sa isla ng Boracay.

Ito’y bago pa man ang nakatakdang pagbubukas muli ng isla sa publiko sa Oktubre 26 matapos isailalim iyon sa rehabilitasyon sa loob ng anim na buwan.

Ayon kay Chief Supt. John Bulalacao, Regional Director ng PNP Region 6, nagpasya silang ilipat sa isla ang Municipal Police Station para matugunan ang pangangailangang pang seguridad sa isla.

Tamang-tama lamang ang naturang hakbang dahil sa nasa 90 porsyento ng krimen sa bayan ng Malay ang nangyayari sa Boracay.

Dahil dito, sinabi ni Bulalacao na walang puwang na ngayon sa isla ang anumang karahasan dahil dito na ibubuhos ang mahahalagang tao, gamit at resources na kinakailangan para panatilihin ang seguridad at kaayusan sa isla.

—-