33 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

P20 minimum wage hike sa NCR kasado na ngayong Oktubre

- Advertisement -

Ilalabas na sa Oktubre ng National Wages and Productivity Commission kung magkano ang dagdag sahod para sa minimum wage earners sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, batay sa nakuha niyang impormasyon mula sa Wage Board, 20 pesos ang idadagdag sa minimum wage.

Aminado si Bello na hindi sapat ang P20 na umento sa sahod subalit ito lamang aniya ang kakayanin ng mas nakararaming employers.

Kapag nagkabisa ang bagong wage order, magiging limangdaan at tatlumpu’t dalawang piso (P532) na ang minimum wage mula sa kasalukuyang limang daan at labing dalawang piso (P512).

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -