Radio Philippines Network
Headlines National News

Malaking porsyento ng iligal na droga nagmumula sa China—Robredo

Nagmumula sa China ang karamihan o malaking porsyento ng illegal drugs na bumabagsak sa Pilipinas.

Ipinabatid ito ni Vice President Leni Robredo matapos makapulong ang mga opisyal ng DILG at PNP.

Sinabi ni Robredo na batay sa nakukuha niyang report, Pilipino at Chinese nationals ang karamihan din sa mga nahuhuling nag o-operate o nasasangkot sa operasyon ng iligal na droga.

Ito aniya ang dapat nilang tutukan sa Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Una nang nakapulong ni Robredo ang mga opisyal ng United Nations at U.S. Embassy kung saan pinag usapan nila ang mga posibleng hakbangin para labanan ang illegal drug trade sa bansa.

Related posts

Sotto nais manatili ang committee chairmanships sa mga incumbent senators

Powered by DWIZ

Panukalang dagdag buwis sa sigarilyo nilagdaan na

Powered by DWIZ

AFP retirees may dagdag pensyon

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More