Radio Philippines Network
Headlines National News

Isang hukom pinagpapaliwanag ng Korte Suprema

Pinagpapaliwanag ng Korte Suprema ang isang hukom na ipinatawag sa kaniyang sala ang 2 traffic enforcers ng Baguio City matapos siyang isyuhan ng ticket dahil sa illegal parking.

Sinabi ni Court Administrator Midas Marquez na dapat magpaliwanag si Cabanatuan City Judge Nelson Lago sa naging hakbang matapos ang insidenteng kinasangkutan nito.

Una nang inihayag ni Lago na bukod sa tinikitan siya inalis pa ng traffic enforcers ang kaniyang plate number na aniya’y iligal.

Ayon naman kay Baguio City mayor Benjamin Magalong, hindi na dapat ginamit ni Lago ang kaniyang posisyon para gipitin ang mga traffic enforcers dahil pu-puwede naman nitong i-reklamo ang mga ito.

Gayunman, pinayuhan pa rin ni Magalong ang mga traffic enforcers ng lungsod na magtungo sa sala ni Lago.

Related posts

Simbahan muling binanatan ng Pangulo sa kabila ng umiiral na moratorium

RPN News

Pag-aanunsiyo ng test result kaugnay sa mga nasawing alagang baboy ipagpapaliban — DA

Powered by DWIZ

2 hinihinalang terorista arestado sa Maynila

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More