Malakanyang nilinaw na hindi pinagbitiw ni Pangulong Duterte si GSIS Pres. Aranas

0
48

Nilinaw ng Malakanyang na hindi pinagbitiw ni Pangulong Rodrigo Duterte si GSIS President Jesus Clint Aranas at hindi rin nawala ang tiwala ng pangulo rito.

Binawi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nawalan na ng tiwala kay Aranas dahil sa napapaulat na mismanagement sa GSIS ang pangulo kayat tinanggap nito ang kanyang pagbibitiw sa puwesto.

Sinabi ni Panelo na walang komento o ibinigay na rason ang pangulo nang tanggapin ang resignation ni Aranas.

Una rito, sinabi ni Aranas na iiwan niya ang kanyang posisyon nang hindi nakokompromiso ang kanyang intergridad.