Grade 7 student patay matapos barilin sa loob ng isang paaralan sa Laguna

0
48

Patay ang grade seven na estudyante matapos barilin sa loob mismo ng kanilang silid aralan sa Masili National Highschool sa Calamba, Laguna.

Kinilala ni Police L.t Col Jacinto Malinao Jr, hepe ng Calamba PNP, ang biktima na si Mark Anthony Miranda, 15 taong gulang.

Nasa loob umano si Malinao ng classroom nang pumasok ang suspek na nakilalang si Renz Ivan Valderrama at pinagbabaril ito.

Nagtamo ng tama ng bala sa kanyang ulo at katawan si Miranda at nadeklara munang brain dead sa ospital bago tuluyang sumakabilang buhay.

Sinabi ni Malinaw na batay sa pauna nilang imbestigasyon, posible umanong may romantikong relasyon ang biktima at ang suspek na di umano’y ay binabae.

Tinutugis na ng PNP Calamba ang suspek.