Malakanyang nanawagang itigil na ang pamumulitika

0
41

Nanawagan ang Malakaniyang na itigil na ang pamumulitika matapos na mai proklama ang mga nanalong senador.

Binigyang diin ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na panahon na para sa pagkakaisa ng lahat at dapat mag focus sa public service ang mga nanalong senador.

Sinabi ni Panelo na tapos na ang labanan at kailangang kalimutan na muna ang pulitika at i respeto ang mga pinili ng taumbayan.

Hinimok ni Panelo ang lahat na makiisa sa pagsusulong ng mga program para na rin sa mga Pilipino at sa bansang Pilipinas.

Tiwala aniya ang Palasyo na gagawin ng mga senador ang lahat sa pagsusulong ng mga batas na para na rin sa kapakinabangan ng taumbayan.