Saturday, May 18, 2024

Kredibilidad ng midterm elections iginiit ng COMELEC

- Advertisement -

Iginiit ni COMELEC Chairman Sheriff Abas ang kredibilidad ng idinaos na midterm elections.

Sa gitna na rin ito ng problema noong mismong araw ng eleksyon tulad ng pumalpak na VCM o Vote Counting Machines, nasirang SD cards at marker pens at maging ang mga insidente ng bilihan ng boto.

Sinabi ni Abas na magsasagawa ng post assessment ang COMELEC hinggil sa mga problema at usaping naging hamon sa kanila bago, habang at matapos ang midterm elections.

β€œAng pinaka bottomline sa amin is that walang dayaan. Kung meron mang glitches, it is natural. Meron at meron yan eh.”

Kasabay nito, ipinabatid ni COMELEC Spokesman James Jimenez na nasa 75.9 percent o halos 76% ang local voter turnout o pumapalo sa halos 47 million votes.

Inihayag ni Jimenez na chini check pa nila ang mga bumoto sa ilalim ng OAV o Overseas Absentee Voting.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -