Monday, May 6, 2024

Malakanyang nagpaabot ng pakikiramay sa pagpanaw ni ex-DENR chief Gina Lopez

- Advertisement -

Nag-paabot na ng pakikiramay ang malacañang sa pamilya, kaibigan at lahat ng nagmamahal kay dating environment sec. Gina Lopez.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, lubhang nagdadalamhati ang Palasyo ng Malacañang sa pagpanaw ni Lopez.

Aniya, isang malaking kawalan si Lopez dahil isa ito sa masugid na tagapag-tanggol sa environmental rights at matapang nitong nilabanan ang mga abusadong mining sector.

Dahil dito, umapela si Panelo sa mga opisyal ng pamahalaan na ipagpatuloy ang magandang nasimulan ni Lopez bilang pag-alala sa yumaong opisyal.

Kaninang madaling araw lamang ng kinumpirma ng pamilya ni Lopez na binawian na ito ng buhay matapos ang kaniyang pakikipag laban sa sakit na cancer.

Si Lopez ay masugid na tagapagtanggol ng kalikasan at karapatan ng mga bata.

Kabilang sa kaniyang mga itinaguyod ang rehabilitasyon ng Pasig River, La Mesa Watershed at ang pagpapasara ng ilang mapagsamantalang mining companies.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img