Friday, May 17, 2024

Malakanyang ipapaubaya na sa Blue Ribbon Committee ang imbestigasyon kay Faeldon

- Advertisement -

Ipauubaya ng Malakaniyang sa Senate Blue Ribbon Committee ang nakatakdang imbestigasyon kay Bureau of Corrections (BuCor) Chief Nicanor Faeldon ngayong araw.

Ito ay kaugnay sa ipinatupad na Good Conduct Time Allowance (GCTA) na dahilan para muntik nang malakabas ng New Bilibid Prison (NBP) si convicted rapist at murderer na si dating Calauan Laguna Mayor Antonio Sanchez.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, lagi namang nakapanig ang Palasyo sa kung anumang makabubuti sa bayan.

Ngunit sinabi ni Panelo na dapat ay tiyakin lang ng Senado ang maayos na pagtrato kay Faeldon.

Ani Panelo ayaw kasi ni Pangulong Rodrigo Duterte na may mga opisyal ng gobyerno na ipinapahiya ng mga mambabatas tuwing may gagawing pagdinig.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -