5 araw na bisita ni Duterte sa China naging matagumpay

0
50

Naging matagumpay at mabunga ang 5 araw na pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, agad dumirekta ang talakayan ni Pangulong Duterte at Chinese President Xi Jinping sa isyu ng West Philippine Sea.

Ani Panelo, nagkasundo ang dalawang lider na magkakaroon ng self-restraint at iiral ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) sa West Phlippine Sea.

Napag-usapan din aniya ni Pangulong Duterte at Xi ang pagbalangkas sa code of the sea maging ang usapin sa kalakalan pati na ang pagtutulungan ng dalawang bansa sa larangan ng industriya.

Nagkaroon din ng pagkakataon si Pangulong Duterte na makapulong sina Chinese Premier Li Keqiang at Chinese Vice President Wang Qishan.