Malakanyang hindi na papatulan ang ginawang pagbatikos ni Sison

0
43

Hindi na papatulan ng Palasyo ng Malakanyang ang ginawang pagbatikos ni CPP o Communist Party of the Philippines Founding Chairman Jose Maria Sison sa pagbisita sa China ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, mas mabuti raw kung itutuon na lamang ng pansin ng pamahalaan ang mga gampanin at constitutional duties kesa pansinin si Sison.

Aniya, produkto ng ilusyon ang lahat ng batikos ni Sison.

Matatandaang sinabi ni Sison na yumuko na naman si Pangulong Duterte sa China dahil sa ginawa nitong pagbisita sa bansa..