Ayuda para sa magsasakang apektado ng Rice Tarrification Law sinimulan nang ipamahagi

0
44

Nagsimula nang ipamahagi ng D.A o Department of Agriculture ang ayuda sa mga magsasaka na aepktado ng Rice Tarrification Law.

Sa bisa ng sure aid o survival and recovery assistance program ng D.A ay makakakuha ng 15,000 pisong soft loan ang mga magsasaka.

Maaari itong bayaran sa loob ng walong taon nang walang interes.

Sa kasalukuyan ay naibahagi na ang sure aid sa mga magsasaka mula sa Nueva Ecija.

Matatandaang unang ipinatupad ng D.A ang ilang hakbang para matulungan ang mga magsasaka katulad ng accelarated roll over system.