Thursday, May 2, 2024

Malakanyang aminadong informal lamang ang fishing agreement ng Pilipinas at China

- Advertisement -

Aminado ang Malakanyang na informal lamang ang fishing agreement sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping noong 2016.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ang mahalaga ay sinusunod ng magkabilang panig ang kasunduan.

Sinabi ni Panelo na malaya nang nakakapangisda ngayon ang mga pilipinong mangingisda sa mga bahagi ng karagatan na inaangkin kapwa ng China at ng Pilipinas nang hindi hinaharass ng Chinese coastguard o ng mga mangingisdang intsik.

Ipinaliwanag ni Panelo na bagamat sinabi sa arbitral ruling na bahagi ng EEZ o Exclusive Economic Zone ang pinangingisdaan ng mga Pilipino, hindi ito kinikilala ng China kayat nakipag negosasyon na lamang ang pangulo.

Binigyang diin ni Panelo na hindi kakayanin ng Pilipinas na ipatupad ang arbitral ruling nang hindi gumagamit ng dahas.

Itinuturing ni Panelo na para tayong nanghihikayat ng kaguluhan kung susundin natin ang probisyon sa konstitusyon na nagsasabing, mga Pilipino lamang ang dapat makinabang sa yamang dagat ng EEZ.

Ang mas sinusunod anya ng pangulo ay ang section 4 article 2 ng konstitusyon na nagsasabing ang pangunahing tungkulin ng pamahalaan ay pagsilbihan at protektahan ang taong bayan dahil sa probisyong ito ibinatay ang lahat ng iba pang probisyon sa Saligang Batas.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img