Friday, May 17, 2024

Cong. Lourd Velasco dapat na mag sorry kay Pangulong Duterte — Alan Peter Cayetano

- Advertisement -

Dapat umanong humingi ng paumanhin si Cong. Lourd Velasco kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Cong. Allan Peter Cayetano, pinalabas ni Velasco na sinungaling si Pangulong Duterte nang pabulaanan nito na nagkaroon ng kasunduan sa term sharing para sa House speakership.

Sinabi ni Cayetano na malinaw ang naging pahayag ng pangulo na batay sa kasunduan, mauuna siyang manilbihan bilang House speaker sa loob ng 15 buwan at susundan ni Velasco sa loob ng 21 buwan.

Sinabihan pa anya siya ng asawa ni Velasco na mabait ang kanyang asawa kayat susunod ito sa kasunduan.

Gayunman, hindi anya ito nangyari dahil tinawagan ni Velasco ang pangulo at umuurong na ito sa term sharing agreement.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -