Malacañang sisikaping aagahan ang televised public address ni Duterte

0
17

Sisikapin na ng Malacañang na gawing mas maaga ang mga televised public address ni Pang. Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, makikipag ugnayan siya sa People’s Television Network 4 upang mai-ere ng mas maaga ang mga pre-taped na pagharap ng Pangulo sa publiko.

Sinabi ni Roque na susubukan nilang gawing ng mas maaga ang pag-ere sa mga mensahe ng Pangulo sa publiko lalo na’t nahaharap ang bansa sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) crisis.a