Walang suportang makukuha mula sa Malacañang ang isinusulong na revolutionary government ng mga taga-suporta ni Pang. Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesman Atty. Harry Roque nakatuon ang pansin ng pamahalaan sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) crisis pati na kung paano maibabalik ang bumagsak na ekonomiya dahil sa pandemya.
Kaugnay nito, sinabi rin ni Roque na nais lamang ni Pangulong Duterte na tapusin ang kaniyang termino hanggang sa 2022 at ipaubaya ang pwesto sa kung sino man ang mailuluklok na pangulo sa darating na eleksyon.
Dagdag pa ni Roque, walang silbi sa ngayon ang revolutionary government dahil nasa gitna ang Pilipinas ng napaka tinding krisis pangkalusugan.