Ipinag-utos na ng Philippine National Police (PNP) ang imbestigasyon sa nangyaring magkasunod na pagsabog sa Jolo, Sulu na ikinamatay ng hindi bababa sa lima katao.
Ayon kay PNP Chief General Archie Amboa, inatasan na niya ang ang Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region (PRO BAR) na tiyakin na mapananagot ang mga nasa likod ng nasabing pagsabog na naganap dakong alas-11:53 kaninang umaga.
Batay sa inisyal na report agad na rumesponde sa pinangyarihan ng pagsabog ang mga elemento ng Jolo Municipal Police Station para agad na mailikas ang mga nasugatan, at upang matiyak na rin ang kaligtasan ng mga residente sa lugar.