35.4 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Makati RTC 148 walang ilalabas na anumang resolusyon sa mosyon ng DOJ

- Advertisement -

Walang ilalabas na anumang resolusyon ang Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 148 kaugnay sa mosyon ng Department of Justice (DOJ) na ipa-aresto at isyuhan ng hold departure order si Senador Antonio Trillanes IV.

Ayon ito mismo kay branch 148 Judge Andres Soriano at hindi aniya niya batid kung kailan siya magpapalabas ng resolusyon.

Sinabi ni Soriano na nabasa na niya ang mga komentong isinumite ng magkaiblang panig subalit kailangan pa aniya niya ng dagdag na oras para sa deliberasyon.

Si Soriano ang hukom na humatol sa kasong kudeta ng mga kasamahan ni Trillanes sa Oakwood Mutiny nuong 2003 na sina Army First Lt. Lawrence San Juan at Rex Bolo na kalaunan ay ibinasura rin ng Court of Appeals (CA).

Dati ring presiding judge ng Malolos RTC Branch 13 si Soriano na nag apply bilang court administrator ng Supreme Court (SC) at napasali sa shortlist sa pagka pinuno ng CA.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -