28.7 C
Manila
Monday, April 22, 2024

Makati court pinaboran ang hirit ni Trillanes na makabyahe sa Europe at US

- Advertisement -

Pinaboran ng Makati Regional Trial Court (RTC) ang hirit ni Senador Antonio Trillanes IV na makabyahe sa Europe at Amerika upang dumalo sa ilang opisyal na aktibidad.

Ito’y sa kabila ng inihaing oposisyon ng Department of Justice (DOJ) sa nasabing hirit ng senador sa paniniwalang isa siyang flight risk at posibleng hindi na bumalik ng bansa dahil sa kaso nitong rebelyon sa branch 150 at iba pang korte.

Gayunman, inatasan ni Makati RTC Branch 150 Presiding Judge Elmo Alameda si Trillanes na magbayad ng tig P200,000 travel bond sa byahe nito sa December 11, 2018 at January 27, 2019 sa US.

Magugunitang si Trillanes ay nahaharap sa kasong rebellion sa sala ni Judge Elmo Alameda ng Makati RTC Branch 150 kaugnay sa Manila Peninsula Siege.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -