33 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Mahigit sa 300,000 pesos halaga ng illegal na droga, nakumpiska sa lungsod ng Baguio

- Advertisement -

Baguio City – Nahuli at nakakulong ang dalawang katao matapos na makunan sila ng illegal na droga sa Road 2, Leonila Hill, lungsod ng Baguio sa bisa ng warrant of arrest.

Nakilala ang mga ito na sila Grace Ubusan Sibug, 47-taong gulang, tubo ng Tondo, Maynila at si Kryzer Jewel Solis Dela Concha, 26-taong gulang at parehong naninirahan sa lungsod ng Baguio.

Ayon sa ulat ng pulisya, may mahigit kumulang na 48 na gramo ng illegal na droga ang nakumpiska ng mga maykapangyarihan mula sa mga nasabing indibidual. Nakalagay ang illegal na droga sa 13 transparent plastic sachet na nagkakahalaga ng 326, 000 pisos.

Nakumpiska din sa mga suspek ang ilang drug paraphernalia’s, pera na aabot sa 14,190 pisos, cellphone at iba pa.  Inaasahang haharap sila sa reklamo na paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehenssive Dangerous Drugs Act of 2002. (Joel Cervantes, photo courtesy of PIO BCPO)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -