Mahigit P5-M refund sa mga pasahero handang ibigay ng Grab

0
16

Nakahanda ang Grab Philippines na sumunod sa kautusan ng Philippine Competition Commission na isoli ang mahigit P5-milyon sobrang pasahe na kanilang nasingil.

Ayon sa Grab, kanilang nirerespeto ang naging desisyon ng PCC at ang mandato nito na proteksyunan ang mga Pilipino consumers.

Sinabi ng Grab, nakikipag-ugnayan na sila sa PCC para maisapinal ang paraan na gagamitin sa pagbibigay ng refund sa mga apektadong pasahero.

Kanila aniyang ipaalam sa publiko ang mechanics sa refund 5 araw bago ito ibigay.

Samantala, tiniyak din ng Grab na nananatili silang sumusunod sa itinakdang fare matrix ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).