Duterte kontra sa posibilidad na pagtakbo ni Mayor Sara Duterte sa pagka-presidente

0
11

Ayaw na ni Pangulong Rodrigo Duterte na maranasan pa ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte ang kanyang mga pinagdaraanan bilang presidente.

Ito ang inihayag ni Pangulong Duterte hinggil sa posibilidad na pagtakbo ni Mayor Sara sa hinaharap.

Ayon kay Pangulong Duterte, natikman niya na ang pagiging presidente kaya nakakaawa aniya para sa kanyang anak na maranasan pa ito.

Dagdag pa ng pangulo, hindi dapat makinig si Mayor Sara sa mga panawagan ng mga tao na tumakbo ito sa pagka presidente.

Magugunitang noong 2018 sinabi ni Pangulong Duterte na maaari siyang sundan ni Mayor Sara bilang presidente ng bansa na binawi naman nito noong Abril.