29.5 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Mahigit 800 residente sa Davao City inilikas dahil sa pagbaha

- Advertisement -

Inilikas at kasalukuyang nasa evacuation centers ang mahigit dalawandaang (200) pamilya sa Davao City matapos ang naranasang pagbaha doon.

Sa datos ng Davao City government, katumbas ito ng mahigit walongdaang (800) indibiduwal na mula sa mga binahang lugar sa San Pedro, Talomo, Sta. Ana, Buhangin, Toril, Sasa at Bunawan.

Maliban dito, binaha rin ang bahagi ng Maharlika Highway sa Barangay Inabanga at Lasang.

Nagsasagawa na ng operasyon ang Task Force Davao at emergency response company para tulungan ang mga residenteng naapektuhan ng pagbaha.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -