Mahigit 700 smuggled vehicles ipamamahagi sa ilang gov’t agency

0
52

Mahigit pitundaang (700) smuggled vehicles sa Port Irene, sa Santa Ana, Cagayan ang planong i-donate na lamang ng Philippine Economic Zone Authority sa ilang ahensya ng gobyerno.

Ito’y makaraang ihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilang puslit na sasakyan ang kanyang ibibigay sa Philippine National Police o PNP at Armed Forces of the Philippines o AFP.

Mayroon din anyang mga van ang hindi sinira noong Lunes sa Port Irene na ipamamahagi naman sa mga local government unit.

Gayunman, magiging mahigpit ang pagpili sa mga makatatanggap ng mga sasakyan.

—-