Mahigit 50,000 empleyado sa mga private schools nangangailangan ng tulong pinansyal — DepEd

0
13

Tinatayang nasa mahigit 50,000 manggagawa mula sa mga pribadong paaralan sa bansa ang nangangailangan ng tulong pinansyal dahil sa kawalan ng sweldo.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, sinubukan na nila itong ilapit sa social amelioration program (SAP) ng pamahalaan ngunit kapos ang pondo nito kung kaya’t nilapit nila ito sa National Economic Development Authority (NEDA).

Umaasa naman si Briones na mabibigyan ng atensyon at tulong ang mga maliliit na paaralan.

Samantala, nakikipag-ugnayan naman ang DepEd sa mga pribadong paaralan upang makuha ang listahan ng mga posibleng makakuha ng benepisyo sa anomang tulong na maiaabot ng pamahalaan.a