Mahigit 40 patay sa matinding pagbaha sa Iran

0
73

Aabot sa apatnapu’t lima (45) ang nasawi sa malawakang pagbaha probinsiya ng Khuzestan sa Iran.

Bunsod naman ito ng mahigit dalawang linggong naranasang malakas na pag-ulan sa nasabing bansa.

Batay sa ulat aabot sa dalawampu’t tatlong (23) lugar sa Khuzestan ang matinding naapektuhan ng pagbaha.

Kasabay nito, isinisisi naman ni Iran Foreign Minister Javad Zarif sa ipinataw na sanction ni US President Donald Trump ang pagkakaantala sa pamamahagi ng tulong sa mga biktima.

—-