Pinangunahan ni Philippine National Police o PNP Chief Director General Oscar Albayalde ang panunumpa ng mahigit labing anim na libo’t pitong daang (16,700) na-promote na mga pulis sa buong bansa ngayong araw.
Kabilang dito ang mahigit isang libo’t dalawang daang (1,200) commissioned officers at mahigit labing limang libong (15,000) non-commissioned officers.
LOOK: Mahigit isanlibo’t limandaang pulis, binigyan ng promosyon at umakyat ang ranggo | @dwiz882 pic.twitter.com/MP0EFiPi0P
— ♕Jaymark Dagala♕ (@jaymarkdagala) August 20, 2018
Aabot naman sa halos isang libo’t limang daang (1,500) tauhan ng National Capital Region Police Office o NCRPO ang na-promote sa mga ranggong police superintendent, senior inspector, senior police officer 3, 2 at 1 gayundin sa police inspector, chief inspector at police officer 2 at 3.
Pinarangalan din ni Albalyalde ang mga miyembro ng Makati Police na umaresto sa tatlong abogado sa kanilang ikinasang anti-drug operation sa isang bar sa Makati kamakailan.
LOOK: Mga Pulis makati na umaresto sa ilang abogado kasunod ng raid sa isang bar, binigyang parangal | @dwiz882 pic.twitter.com/5afUiErhQe
— ♕Jaymark Dagala♕ (@jaymarkdagala) August 20, 2018
PANOORIN: Ang mensahe ni PDG Oscar Albayalde sa mga pulis makati na umaresto sa tatlong abogado | @dwiz882 pic.twitter.com/qHQKzp0dSb
— ♕Jaymark Dagala♕ (@jaymarkdagala) August 20, 2018
Kabilang sa nakatanggap ng medalya ng kagalingan ang pinuno ng Makati Police na si Senior Supt. Rogelio Simon.
Samantala, naging mahigpit naman ang bilin ni Albayalde sa mga pulis na gawin lang ang trabaho na may puso at iwasang kumagat sa tukso.
(Ulat ni Jaymark Dagala)