33 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

NAPC Secretary Liza Maza nagbitiw na sa puwesto

- Advertisement -

Nagsumite na ng ‘irrevocable’ resignation kay Pangulong Duterte si National Anti-Poverty Commission o NAPC Chairperson Liza Maza.

Inanunsyo ni Maza ang pagbibitiw sa puwesto sa isinagawang press conference ngayong araw.

Tinukoy ni Maza ang desisyon ng gobyerno na tuluyang kanselahin ang peace talks sa rebeldeng komunista bilang pangunahing rason ng kanyang pagbibitiw.

Kasabay nito ay nagpasalamat si Maza sa lahat ng kanyang nakatrabaho sa ahensya sa loob ng mahigit dalawang taon.

Ginawa ni Maza ang anunsyo isang linggo matapos na ibasura ng korte ang kasong murder laban sa kanya at sa tatlo pang dating kongresista na sina dating Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano, dating Bayan Muna Representatives Satur Ocampo at Teddy Casiño na una nang ipinag-utos na arestuhin.—AR

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -