Mahigit 160-M halaga ng pekeng sigarilyo nakumpiska ng BOC sa Bulacan

0
51

Mahigit 160 milyong halaga ng pekeng sigarilyo at makina sa paggawa ng sigarilyo ang nakumpiska ng BOC o Bureau of Customs sa dalawang warehouse sa Bulacan.

Ayon sa BOC, siyam na cigarette making machines at pekeng cigarette tax stamps ang nakuha sa warehouse sa Sta. Maria, Bulacan na tinatayang nasa 120 million pesos.

Nakuha rin dito ang mga imported na drinking glasses at wall clocks.

Samantala, mahigit 300 mga pekeng branded na sigarilyo ang nakuha sa warehouse sa Marilao na nagkakahalaga ng 40 milyong piso.