34 C
Manila
Tuesday, April 16, 2024

Mahigit 100 pamilya inilikas matapos sumiklab ang putukan sa pagitan ng militar at NPA sa Negros Occidental

- Advertisement -

Mahigit 100 pamilya ang agad na inilikas matapos sumiklab ang putukan sa pagitan ng militar at mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army o NPA sa lungsod ng Escalante, Negros Occidental.

Maliban sa relief assistance mula sa local government unit, isinalang din sa medical check-up ang mga evacuees na ngayo’y nagsisiksikan sa isang elementary school sa Barangay Paitan.

Paliwanag ni Capt. Rowell Dairocas ng civic military operations ng 79th infantry battalion, nakatanggap ng sumbong ang mga sundalo hinggil sa ginagawa umanong recruitment ng NPA sa kanilang lugar kaya’t nirespondehan nila ito at dito na naganap ang engkwentro.

Tinutugis naman ngayon ng mga sundalo ang mga rebelde na posibleng nagbalikan sa bundok matapos ang nasabing bakbakan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -