Ilang lugar sa Luzon niragasa ng baha

0
48

Rumagasa ang baha sa ilang parte ng Ilocos Norte makaraan ang walang tigil na pa-ulan sa lalawigan simula nitong Biyernes.

Pinaka-apektado umano ang Barangay 14 sa bayan ng Paoay kung saan pinasok pa ng baha ang ilang bahay.

Sa taas naman ng tubig-baha, nagmistulang swimming pool ang mga bahay dahil pati garahe at kwarto ay inabot ng tubig.

Naperhuwisyo rin ang ilang rider matapos tumirik ang kanilang motorsiklo.

Pahayag ng ilang opisyal ng bayan, catch basin ang Paoay kaya malalim ang tubig-baha sa kanilang lugar at nakadagdag pa sa baha ang nasirang dike sa kalapit na barangay.