Maharlika building sa Siudad ng Baguio maagang sanang maisakamay sa siudad di pa ito matukoy kung kailan

0
14

Baguio City – Ang maagang pagsasakamay ng Maharlika na gusali sa local na gobierno ng lungsod ng Baguio, dadaan pa ng mga maraming proceso.

Hindi madali ang proseso o ang paraan para sa maagang pagsasakamay ng Maharlika Livelihood Complex sa local na gobierno ng lungsod ng Baguio City kung wala naunang pag-uusapan sa pagitan ng lokal na gobierno ng lungsod ng Baguio at ng Human Settlements Development Corporation para sa nasabing hakbang.

Ito ang ipinagbigay alam ni Atty. Maan Ilago, ang project manager ng HSDC sa mga miyembro ng Sangguniang Panglungsod sa regular session nila noong lunes June 19, 2023, dadaan sa maraming proseso ang nasabing hakbang kahit na totoong nakipag usap sila kay City mayor Benjamin Magalong noong nakaraang taon para sa maagang pagsasakamay bago matapos ang kontrata sa Abril 2025, ang bagay na ito ay hindi madedesisyonan ng lokal na gobierno at ng HSDC.

Ipinaliwanang niya na ito ay bahagi ng liquidation process ng HSDC at kailangan pang maprubahan ng Government Commission for Government Owned Controlled Corporation.

Sinabi niya kailangan pa rin ng rekomendasyon ng Office of the Government Corporate Counsel o ng OGCC.

Inyong matatandaan, na hiniling ng local na gobierno ang HSDC kung maaring maagang mapasakamay imbes na hintayin pa nila hangang sa 2025 ang pagtatapos ng 50-year na pagrenta sa government owned and controlled corporation ng Maharlika Building.

Sa sandaling mapasakamay na ito sa local na gobierno ng lungsod ng Baguio ay maari itong makapagpasok ng mahigit sa 90 million piso na gross income o ang kabuuang kita ng lokal na gobierno ng lungsod ng Baguio mula sa operasyon ng nasabing gusali. (Joel Cervantes, photo courtesy of PIO Baguio City)

Leave a Reply