32.7 C
Manila
Sunday, April 21, 2024

Magnitude 4.8 Na Lindol, Niyanig Ang Masbate At Ilang Kalapit Na Lugar

- Advertisement -

Niyanig ng Magnitude 4.8 na lindol ang Masbate dakong alas-3:26 ng hapon kahapon.

Batay sa impormasyon mula sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), natukoy ang sentro nito sa layong 10 km sa Timog-Silangan ng bayan ng Cataingan.

May lalim na 6 km at tectonic ang pinagmulan.

Naramdaman rin ang pagyanig sa:

Intensity IV – Cataingan, Esperanza, Pio V. Corpus and Palanas, Masbate; Tagapul-an, and Almagro, Samar; Maripipi, Biliran
Intensity III – City of Catbalogan; City of Calbayog; Tarangnan, Samar; Kawayan, and Naval, Biliran; City of Masbate
Intensity II – Irosin, Sorsogon; Mapanas, Northern Samar; City of Roxas; City of Tacloban

Nakapagtala naman ng mga instrumental intensity ang mga sumusunod na lugar:

Intensity II – City of Masbate; Naval, Biliran; City of Legazpi
Intensity I – Malinao, Aklan; City of Ormoc; City of Roxas

Walang inaasahang aftershocks at pagkasira ng ari-arian dulot ng pagyanig.

Sa unang impormasyon na inilabas ng PHIVOLCS, Magnitude 4.5 ang lakas ng lindol sa island province (Phivolcs). (Bombo Ruffa Lozada)

 

(Photo courtesy of PHIVOLCS)

(Source: PHIVOLCS/ Bombo Radyo Legazpi)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -