Sunday, April 28, 2024

Magkapatid, arestado sa magkahiwalay na Anti-illegal drug operation ng Baao Pulis

- Advertisement -

Bandang 9:50 ng umaga nitong ika-20 ng Marso 2023, mula sa pinag sanib na pwersa ng Municipal Drug Enforcement Unit (MDEU) ng Baao Municipal Police Station sa pangunguna ni PMAJ DIVINO JOHN B PELEA, OIC, kasama ang mga operatiba ng Camarines Sur 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) at sa direktang pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) region 5

Unang inahain ang Search Warrant Nr. IR-2023-08, sa paglabag sa RA 9165, na inisyu ng korte laban kay alyas Junior, 37 anyos, magsasaka, sa kanyang tinitirhan sa Zone 1, Brgy Sagrada Baao Camarines Sur na naresulta sa kanyang pagkakaaresto matapos ito ay makuhanan sa kanyang pagiingat ang apat (4) na pirasong plastic sachet ng hinahinalaang illegal na droga, na tintayang may timbang na 5.4 gramo, na nagkakahalaga ng humigit kumulang sa P35,000.00 at ilang drug paraphernalia.

Samantala, mga bandang 10:50 ng umaga ng parehong araw, kasunod na inihain ang Search Warrant Nr. IR-2023-07, na inisyu ng parehong korte sa kasong paglabag din sa RA 9165 laban kay alyas “Kulay”, 43 anyos, kapatid ng unang naaresto, sa kanyang tirahan Brgy Sagrada Baao Camarines Sur. Nakumpiska sa kanyang pagiingat ang tatlong (3) pirasong plastic sachet ng hinahinalaang illegal na droga, na tintayang may timbang na 6.0 gramo at nagkakahalaga ng humigit kumulang sa P48,000.00.

Ang mga arestadong suspek ay binasahan ng kanilang mga karapatang pantao na naayon sa Saligang Batas sa harap mismo ng mga nakuhang mandatoryong saksi galing sa barangay at media.

Sa kasalukuyan ang mga nakuhang ebidensya ay nasa pangangalaga na ng Baao Municipal Police Station habang inihahanda na ang mga kaukulang kaso laban sa mga arestadong suspek.

Ang mga arestadong suspek ay kasalukuyan nasa kostudiya na ng Baao Municipal Police Station para sa kaukulang disposisyon.

(Jv Navarro Verdeflor Jr source Baao MPS CSPPO)

Photo: CTTO

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -