Baguio City – Ang paaralang Manuel L. Quezon Elementary School ay naniniguro na ang karunungang agricultural na kanilang natutunan sa kanilang paaralan ay kanila nang ginagawa sa kani-kanilang tahanan.
Sa ngayon, 38 mag aaral ang tumanggap ng hamon na magtanim ng pechay pak choi at kanila itong inalagaan sa kanilang likod ng bahay.
Ayon sa naturang paaralan hinihikayat nila ang kanilang mag aaral na magtanim ng gulay at kanilang bahay sa pamamagitan ng pagtuturo ng karunungang sa agrikultura na makakatulong sa tinatawag na ” sustainable urban gardening program.
Ang kanilang adhikain ay itanim sa kaisipan ng kanilang mag aaral ang kahalagahan ng paghahalamanan, itaguyod seguridad sa pagkain sa paaralan at kommunidad sa pamamagitan ng paggawa ng tulong sa sarili. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of PIO Baguio City)
