Mabuhay lanes gamitin ngayong holiday season—MMDA

0
58

Hinimok ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na gamitin ang Mabuhay lanes o iba pang alternate routes ngayong holiday season.

Ito ayon sa MMDA ay dahil tumataas ng 20 porsyento ang mga sasakyan sa lansangan tuwing Christmas season.

Sinabi ng MMDA na makakatulong ang mga naturang alternate routes para mapaluwag ang trapiko sa EDSA at iba pang pangunahing lansangan.

Paiigtingin naman ng MMDA ang clearing operations sa mga iligal na nakaparadang sasakyan sa Mabuhay lanes para matiyak ang maayos na biyahe.

Ang iba pang hakbangin para mapagaan ang matinding daloy ng trapiko ngayong holiday ay ipatutupad hanggang January 14, 2019.

—-