Lungsod ng Baguio nananatiling Zero-Case sa banta ng Rabies

0
40

Baguio City – Nananatiling zero-case ng rabies ang lungsod ng Baguio mula noong 2022 hangang ngayong taon, Ayon kay City Veterinarian na si Dr. Silandro Bested.

Samantala, sinabi naman ni City Veterinary and Agriculture office Veterinarian na si Dra. Gladys Bantog, na noong pang 2021 nakapagtala sila ng dalawang kaso na nagpositibo ng rabies ditto sa lungsod ng Baguio.

Magkaganon man, patuloy ang agresibong pagbabakuna tungkol sa anti-rabies sa lahat ng barangay dito sa lungsod ng Baguio.  Inaasahan nila na wala na silang maililistang kaso ngayong taong ito.  Mahigpit na pakikipag ugnayan sa opisyal ng barangay sa lugar na pagdadausan ng naturang gawain.

Sa kasalukuyan sa mga susunod na linggo ay nakatakdang magpunta ang mga magbabakuna sa Barangays Bakakeng Central, New Lucban, at ABCR. (Joel Cervantes, photo courtesy of Baguio City Veterinary and Agriculture office file)

Leave a Reply