Saturday, May 4, 2024

LTFRB chief: Marami sa mga PUV drivers ay hindi pa nakakatanggap ng cash aid

- Advertisement -

Mabagal ang pamamahagi ng cash assistance sa libo-libong public utility vehicles (PU) drivers na apektado ng lockdown dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ang inireklamo ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman Martin Delgra sa isinasawang pagdinig sa Senado na pinangasiwaan ng Committee on Public Services.

Ayon kay Delgra, ang kanilang ipinasang listahan ng lahat ng PUV drivers sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay nasa 435,000 kasama na dito ang TNVS, bus, shuttle service, school service, PUJ, at taxi.

Aniya, hanggang sa ngayon ay marami parin ang hindi nakakatanggap dahil mabagal ang pagbibigay.

Iminungkahi naman ni Delgra ang paggamit ng GCash account upang mas mapabilis ang pagbibigay ng ayuda ng DSWD.

Samantala, nilinaw naman ni Delgra na hindi kasama sa isinumiteng listahan ang mga tricycle drivers gayung wala silang database ng mga tricycle drivers na apektado sa lockdown.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img